Senador Chavit Singson 2025

campaign
policies

Transportation Reform

e-jeepney

Ang inisyatiba sa e-jeepney ay naglalayong gawing makabago ang transportasyong pampubliko sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mura at gawang Pinoy na electric jeepney.
Basahin Pa Tungkol sa Patakaran
Financial Reform

Banko ng Masa

Ang Banko ng Masa ay may layong mapabuti ang kaalaman ng mga Pilipino sa pananalapi at mapalawak ang kanilang access sa mga serbisyong may kinalaman sa pagba-bangko, partikular na ang mga mamamayang hindi pa nakapagbukas ng account sa anumang bangko.
Basahin Pa Tungkol sa Patakaran
Universal Basic Income

Chavit 500

Ang CHAVIT 500 ay naglalayong magbigay ng karagdagang buwanang tulong na 500 pesos sa mga Pilipinong edad 18 at pataas na kumikita ng minimum wage o mas mababa, upang matulungan silang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at mga utilities.
Basahin Pa Tungkol sa Patakaran

about senador

chavit singson

Bilang isang repormista at tanyag na personalidad sa politika ng Pilipinas, malaki na ang naging ambag ni Luis “Chavit” Singson sa pamamagitan ng pagsusulong ng transparency at pakikipaglaban sa korapsyon sa pinakamataas na antas ng gobyerno.

Ang kanyang pagsusumikap na maisulong ang Republic Act No. 7171–na naisabatas noong 1992 at naglaan ng 15% ng excise tax para sa lokal na producer ng Virginia-type tobacco–upang suportahan ang mga tobacco farmers sa Ilocos Sur at iba pang mga probinsya. Ang batas na ito ay nagbigay ng pondo para sa mga proyektong pangkaunlaran na nakatulong upang mapabuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga komunidad na nagpoprodyus ng tabako. Ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod-publiko at reporma ay nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isang lider na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga Pilipino.
Bukod sa politika, nag-ambag din si Singson sa ekonomiya at imahe ng bansa sa pamamagitan ng kanyang malawak na negosyo sa larangan ng telecommunications, agrikultura, at turismo. Noong 2016, naging susi siya sa pagdadala ng prestihiyosong Miss Universe pageant sa Pilipinas, na nagpalakas sa industriya ng turismo ng bansa at nagpakilala ng kulturang Pilipino sa buong mundo. Ang iba’t ibang negosyo ni Singson ay nakalikha ng libu-libong trabaho, at ang kanyang mga gawaing kawanggawa sa edukasyon at kalusugan ay patunay ng kanyang malasakit sa mga komunidad na kapos sa serbisyo. Ang kanyang pamana ay sumasalamin sa makabago at makataong pamumuno, at isang malalim na dedikasyon sa pag-unlad ng bansa.

follow the
chavit singson 2025 campaign

Appearance Calendar

November 2024
Events

December 30, 2024 - Olongapo City

Flag ceremony and community event in Olongapo City.